![]() |
||||
|
The Chosen One
22 years old | 12 Oct 1982 libra | pinanganak sa baguio bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: sports literature music art at travel YM id: a_aspi
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Prayers
Worship Area bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster guitar tabs friends fan site Army of Angels aimee's journal ahvy's site aleng's blog ava's blog basilio's blog bcs 4-1's blog chert's blog cheska's blog clarisse' blog dada's blog des' blog denisse' blog esteban's blog georgie's site gia's blog hanigrey's blog ida's arts ilie's blog jack's blog jasper's blog jeff's blog jet's blog jeyem's blog juan frederico's blog jhoanne's page josie's blog joyce's xanga joycie's blog keo's blog klariz' blog lei's blog lorraine's blog maky's blog marelle's blog mark's blog martin's blog mary's blog mayi's blog mike's blog nerozero's blog nikki's blog nix's blog red's blog reng's site sarge's blog sheena's blog sheen's blog rgie and tala's blog tala's blog tenten's blog tin toyo site ver's blog very's blog yzza's page Reincarnation Count Afterlife Ang Kalawakan Unused Area
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday |
Tuesday, May 17, 2005 reincarnation mahilig ako sa forums. masarap nga naman makipagpalitan ng mga kuro-kuro sa iba't ibang tao. lalong lumalawak ang bahagyang makitid kong pagiisip dahil sa mga ganitong bagay. kanina lang may nireplayan akong forum sa tinig.com. ang category ay paranormal at ang topic naman ay reincarnation. kung totoo ba ito o hindi? agree ka ba sa konseptong ito o hindi? para sa akin, hindi ako naniniwala. heto ang aking naging reply sa forum: hmmmm.. reincarnation.. disagree ako dito.. sa aking pagkakaintindi... ganito... ang sabi ng mga hindu everytime na mare-reincarnate ka sa panibagong uri ng katawan, binabase sa naging performance mo nung past lifetime kung ano ang next mong anyo. iba iba ang level. may oso, tuko, aso, pabo, pusa, hipon, pulgas, kabayo at shempre ang pinakamataas sa lahat, ang tao.. ang pagka-reincarnate daw ng 7 sunod na beses bilang tao ay ang pinaka super saiyan mode sa lahat. ibig sabihin nito santo ka na. nirvana ang tawag sa 7th consecutive reincarnation bilang human. kontradiksyon... kung susuriin ang populasyon, dumadami ng dumadami ang tao. ibig sabihin tumataas ang level ng karamihan tuwing nare-reincarnate. kaya nadadagdagan ang listahan ng mga endangered species dahil narereincarnate ang mga hayop na ito bilang tao??? hmmmm.... hindi ba't pasama ng pasama ang mga tao ngayon kumpara sa past? kung totoo ang reincarnation ba't ganun, continious pa rin ang paglobo ng populasyon ng tao habang dumadami naman ang makasalanan? isa pa, naniniwala ako sa Diyos. kung totoo man ang reincarnation ibig sabihin kung ilan ang bilang ng mga buhay na bagay noon ganon din ang bilang sa ngayon dahil nagiiba lamang ng anyo ang mga ito. kapag may isang mamamatay, may isa namang mabubuhay. kung ganon ang ikot ng buhay sa mundo masyado nang chaotic. makapag-breed lang tayo ng sampung libong kuto may probability na sampung libong tao naman ang mababawas sa populasyon ng tao. kapag makapatay naman tayo ng isang colony ng anay sa dingding ng ating bahay ano naman ang mangyayari??? balanse ang populasyon pero may imbalance sa nature. mabuhay pa kaya tayo nun? kung naniniwala ka sa reincarnation, malamang oo. hehe.
|
|||
| Blogger | ||||