The Chosen One
22 years old | 12 Oct 1982 libra | pinanganak sa baguio bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: sports literature music art at travel YM id: a_aspi
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Prayers
Worship Area bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster guitar tabs friends fan site Army of Angels aimee's journal ahvy's site aleng's blog ava's blog basilio's blog bcs 4-1's blog chert's blog cheska's blog clarisse' blog dada's blog des' blog denisse' blog esteban's blog georgie's site gia's blog hanigrey's blog ida's arts ilie's blog jack's blog jasper's blog jeff's blog jet's blog jeyem's blog juan frederico's blog jhoanne's page josie's blog joyce's xanga joycie's blog keo's blog klariz' blog lei's blog lorraine's blog maky's blog marelle's blog mark's blog martin's blog mary's blog mayi's blog mike's blog nerozero's blog nikki's blog nix's blog red's blog reng's site sarge's blog sheena's blog sheen's blog rgie and tala's blog tala's blog tenten's blog tin toyo site ver's blog very's blog yzza's page Reincarnation Count Afterlife Ang Kalawakan Unused Area
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday |
Saturday, April 30, 2005 summer sentihan summer vacation. ang panahon na pinakaaabangan ng mga bata. walang gisingan ng maaga. sa wakas, makakpagpahinga ng dalawang buwan ang alarm clock na napapaos na halos ang tunog. walang pasok. walang homework, assignment, at projects. tv, kain at laro lang ang iniikutang mundo ng mga bibwit. minsan, nagmemerienda ako ng c2 at nova sa tindahan at 'di kalayuan nakita ko ang isang grupo ng mga bata na naglalaro ng langit lupa. nag senti nanaman ako, naalala ko ang aking kabataan. nainggit ako. kung pwede lang ibalik ang sarili ko sa mga oras iyon ay gagawin ko. gusto kong bumalik sa panahon kung saan ang pinakamalaking problema ko lamang ay ang pagiging taya sa laro. sa panahon kung saan maghapon kaming nagbibilad sa araw para lang patunayan kung sino ang mas magaling sa patintero. sa panahon kung saan masaya pang maglaro at maligo sa ulan. sa panahon kung saan ang buong barkada ay humihingi ng 50 sentimos (yung may ibon) sa kanya kanyang mga magulang at sabay sabay na bumibili ng ice candy sa tindahan. imposible ang binabalak kong time travel, sa mga alaala ko na lang puwede namnamin ang mga nakaraan. ito ang gagawin ko ngayon. karaniwang nagsisimula ang isang araw ko ng bakasyon noon sa maagang paggising. 8am kadalasan. pagkatapos ng mga morning rituals ang hapag kainan ang una kong tambayan upang mag-almusal. kahit isang baso ng milo at tinapay na isasawsaw dito solb na. hindi ako kaagad nakakalabas ng bahay pagkatapos ng almusal. at kahit naririnig ko na ang mga sigawan at padyak ng mga kalarong naghahabulan wala akong ibang magagawa kung hindi mainggit ng pansamantala. obligasyon ko na maglampaso sa buong bahay bago makalabas. kailangan ko muna gawin ang pagbubunot ng sahig, pagkatapos nito tsaka pa lamang ako pwedeng makipaglaro. pag tumutok na ang orasan sa 10:00am pansamantalang matitigil ang paglalaro. kung sa family computer, pipindutin muna ang pause. uuwi muna ang lahat para manood ng tv. soap opera para sa mga bata. cedie, dog of flanders, remi, julio at julia, etc. lahat yan sinubaybayan namin. mas masaya nga pala ito kapag samasama lahat na manonood sa bahay ng isang kalaro. pagkatapos ng cartoons resume ulit ang laro matitigil na lang ito kapag isa isa kaming tinawag para umuwi at kumain ng tanghalian. pagkatapos kumain iisa lang ang maririnig sa mga matatanda, "matulog muna, wag muna maglalaro sa labas, baka ma-apendiks ka!!!". sa awa ng Diyos wala naman sa min ng mga kalaro ko ang "na-apendiks". kahit mainit pa ang sikat ng araw balik agad ang lahat sa kalye upang maglaro maliban na lang siguro sa mga nawiling manood ng eat bulaga. simula ulit ng mahabang hapon. pili na lang sa menu kung ano ang gusto. taguan pung, patintero, shato, langit lupa, tumbang preso, bahay bahayan, piko. sa paglalaro may iiyak, may mapipikon, may mangpipikon, at may mandaraya. may uuwi na napagkaisahan at may uuwi ng may sugat sa binti. eto ang sigurado, uuwi ang lahat ng amoy pawis ang ulo habang sinasabi "BUKAS ULIT!".
Thursday, April 28, 2005 lifestyle check nung linggo kausap ko sa internet si jep, isang kaibigan na nagtatrabaho sa aol. nabanggit niya ang isang pangungusap na hindi naman talaga sakop ng topic na pinaguusapan namin. ang sabi niya, "ang sarap talaga ng kulay pulang piknik, sweldo kase kaya nakabili ako nito". mababaw kung titingnan ng iba. cheap kung baga, at sa pananaw ng iba ang cheap ay hindi kasing saya ng mga hobbies, past times at mga bagay bagay na pinagkakagastusan. minsan naging ganun din ang paniniwala ko. masaya ako nung unang beses ako nakakuha ng trabaho dahil kikita na ko ng sarili kong salapi. pwede na ako magkape sa starbucks. pwede na ko bumili ng mamahaling damit. pwede na ko gumamit ng pabango ng hindi tinitipid. pwede na ko makainom ng smirnoff. pwede na ko bumili ng latest cellphone model ng nokia. pwede na ko mag-pasta sa california pizza kitchen. may pera na ko, pwede na ko magpakagalante. pwede na ko magpakasaya. laging ubos ang sweldo ko, nasanay ako sa mga magagastos na bagay. binibili ko ang kahit anong gusto ko. hindi ko tinitipid ang sarili ko, hangga't merong pwedeng pagkagastusan gagastos at gagastos. masaya ako at nagagastusan ko ang sarili ko nun. nagbago na ang lifestyle ko. galante. minsan, wala naging mailap ang pera. namomroblema ako dahil hindi ako makaalis, hindi ako maka-gimik, hindi "makapagsaya". kaya ayun, wala na kong nagawa kung hindi mag-munimuni na lang sa sala. problema ko ang pera. hindi ko naman dati iniisip ito. naalala ko ang sinabi ko nung pumapasok pa ko ng college, "kahit 250 pesos lang sa isang araw ang sweldo ko, kasyang kasya na sa kin yun, makakaipon pa ko". anong nangyari dun? baket hindi ganon ang naging lagay ko. doble ang kinikita ko pero parang kulang pa rin. iba na ba ang hanap ko sa buhay? san nga ba napunta yung mga araw na masaya na ko kapag nakapag merienda ako ng blend 45 at cheese bread sa bahay? bakit kelangan sa starbucks pa ko mag-kape? bakit hindi na ko nasasarapan sa "lucky me!" pancit canton? bakit sa oras na magbibilyar kelangan dun pa sa 150php/hr ang bayad at hindi dun sa kanto na 50 piso lang kada oras? bakit kelangan ko magpaka-galante? dun ko napansin na iba na ang hanap ko sa buhay, pera na ang pinakamalaking impluwensya na nagpapaikot sa kin. pagpapayaman na ang ambisyon ko na napakahirap namang gawin. pinapahirapan ko ang sarili ko. gusto kong ibalik ang standards ng buhay ko sa dati. kung san labis labis na ang 250 pesos para sa isang araw. kung san mabababaw lang ang pangarap ko sa buhay at madaling abutin. kung saan libre lang halos ang pinagkakaabalahan. kung saan, katulad ni jep, isang lata lang ng piknik lang pwede na kong maging masaya. masarap ang simpleng buhay, simple lang ang mga hinahanap. madali lang abutin. madali lang maging masaya.
Wednesday, April 27, 2005 good morning! 5:00 a.m. alarm pa rin ng cellphone ang gumigising sa kin. hudyat na kailangan ko na tumayo sa higaan. pagkatapos ng isang maikling dasal ng pasasalamat kukunin ko na ang tuwalya sa pinagkakasabitan nito, bababa sa sala at matulog ulit dun ng 15 mins pa. zzzzzzz. 5:15 a.m. pagkagising ng pangalawang beses ay gagawin ko na ang morning bathroom rituals. pagkatapos ng kalahating oras ng ligo gising na gising na ang buong katawan. susundan ko na ito ng isang set nanaman ng grooming rituals. deodorant, hairgel, baby powder, perfume, aftershave, lotion at kung ano ano pang mga kemikal ang ipapahid sa iba't ibang bahagi ng katawan upang maging katanggap tanggap ang sarili para sa ibang tao na makakasalamuha sa araw na iyon. 5:45 a.m. next step ay ang pagsuot ng full battle gear. school uniform nung estudyante pa ko, ngayon kahit anong casual clothing lang pwede na. kadalasan sa araw na rin kung kelan ko susuotin ang damit tsaka ko ito pinaplantsa. ewan ko, mas gusto ko at mas sanay ako magplantsa ng paisa-isa kesa yung tradisyonal na mass production ng plantsadong damit pagkatapos ito isampay sa alambre sa labas. kapag postura na, pwde nang gawin ang pagharap sa hapag kainan upang mag kumain. 6:15 a.m. bibihira ako mag-almusal, ewan ko kung ikukwento ko sa anak ko na "nung kabataan nga namin eh hindi ako nakakakain ng almusal, swerte kayo at...". preference ko ang hindi kumain ng almusal nung pumapasok pa ko sa eskwelahan, late kase yata ako nun parati. sa ngayon kabilang na ko sa mga elderly na iisa ang menu tuwing umaga. kape at tinapay. at syempre hindi kumpleto ang almusal kapag walang am radio with sound effects na parang nagbabarilang mga spaceman. mas nakakalibang nga naman mag-almusal kapag may pinapakinggan. 6:30 a.m. napasarap sa pakikinig ng magandang balita. late na ko.
Monday, April 25, 2005 bente kwatro - siyete bumili ako ng sim ng sun. tapos na kase ang promo ng smart na 25/8 kaya yung 24/7 na lang ng sun cell ang serbisyong gagamitin ko. marami-rami rin naman ang mga kilala ko na naka-sun kaya ayun, bumili na rin ako. kagaya ng inaasahan, medyo hindi nga ganun kaganda ang quality ng serbisyo ng sun. mahina ang signal sa kwarto ko kaya kelangan pang mag spiderman sa mga grills ng bintana upang magka-signal ng 1 bar ang cellphone. acceptable yun, naaalala ko na ginagawa ko naman na yun dati sa smart mga 5 years ago. nag-improve naman ang services nila kaya ngayon kahit sa kubeta o kaya sa loob ng ref full bar pa rin ang signal na nasasagap. sana balang araw ganun din ang sun cell. pangalawang pahirap na naranasan ko ay ang pag load ng aking 24/7 na cell card. inabot ako ng tatlong singlo bago ko mai-load ang binili kong card. baka nga expired na yung card ko pero hindi ko pa rin nailo-load ito. at sabi nga nila magkakakalyo daw ang kamay ko bago mai-load yun. kalyado naman na ang mga daliri ko dahil sa kaka-gitara kaya wala na ring problema. isa pa, once a month lang naman ako maglo-load kaya pwede na rin pagtiyagaan. punta tayo sa mga serbisyo ng sun. sa text, ayos naman. madaling makapag-send at mak-receive basta meron lang signal. message failed kung minsan pero tolerable. hindi ko pa nasusubukan mag-outgoing call kung mahirap nga. pero sa incoming, ayos lang. nakareceive naman ako ng maayos ng ilang beses. yun nga lang parang katulad ng nauso dating "drop call", maya't maya napuputol ang tawag. sa mms at gprs, hindi ko alam. black and white ang dalawang cellphone kong ginagamit ngayon, hindi mms at gprs capable kaya hindi ko pinoproblema ang mga iyan. all in all, bulok nga ang sun cell. perwisyo ito lalong lalo na pag gagamitin mo ito bilang iyong primary sim. pero alternatibong number ko lang naman ito kaya hindi ako gaano namomroblema. ok lang sa kin na makipagsapalaran sa "no signal", "busy network", at "poor services" upang makausap ang mga kaibigan ko. alam ko naman na ganun rin ang ginagawa nila. sulit na rin naman kung susulitin mong maigi. oo nga pala, bago ako bumili kinausap ko muna ang mga sun users kong kakilala upang tiktikan ang mga dapat kong i-expect kapag bumili ako ng sun. isa lang ang aking natutunan, "patience is a virtue".
Friday, April 15, 2005 evolution remix nung isang beses, kasama ko si ver sa shuttle ng cypress. bukas ang tv at ang palabas ay 24 oras with mel changco and mike enriquez. na feature sa balita ang outbreak ng isang uri ng virus sa bansang angola. may pumasok na kabaliwan sa utak ko. iba na daw ang mga virus at bacteria ngayon sabi ng mga doctor. napabalitang nahihirapan na raw sila makahanap ng mga panibagong panggamot sa mga virus at bacteria na sanhi ng mga nakamamatay na sakit. hindi na raw tumatalab ang mga nakasanayang panlaban sa mga ito dahil nagiging immune na sila. nagmu-mutate kumbaga. hindi kaya't isa itong living proof ng evolution? eto ang naisip ko. bumalik tayo dun sa sinaunang panahon, mga 60 million years ago. panahon ng mga dinosaur. panahon kung saan payapang namamasyal ang mga tricerotops sa yellowstone park at nagpapahangin sa grand canyon ang mga raptors. once upon a time, masayang namumuhay sa earth ang iba't ibang uri ng dinosaur. at isang araw hindi makabangon si haring t-rex sa kanyang kama dahil siya ay nagkaroon ng sakit na kakaiba. sahi ito ng isang virus, pinangalanan nila ang virus ng "tao" virus. dahil walang mahanap na gamot ang mga dalubhasang brontosaurus sa virus na ito nagkaroon ng epidemya sa buong mundo. isa isang namatay ang mga dinosaur hanggang sila ay naubos, ang pangalan ng pinakahuling namatay ay si denver. namayani ang mga "tao" sa earth simula nun. umandar ang mahabang panahon, unti-unting nag-evolve ang virus sa butiki, tapos buwaya, ibon, unggoy at ngayon ay naging modern day human. ngayon mga tao naman ang nagkakasakit. fast forward tayo, 100 million years.. nag-evolve na ang lahat ng buhay kagaya ng isinalaysay ko. sars: ako pag-laki ko magiging scientist ako! pagaaralan ko ang mga buto ng tao na nabuhay daw 100 million years ago. ebola: hilig ko rin yan. err... totoo kayang mga langgam rin tayo dati tapos tumalino lang? magsa-scientist na rin nga ako. aids: aba ewan, basta ako computer scientist ako paglaki kung hindi naman political scientist.. teka, sino ba tong si meningococcemia na to? nagpapa-add sa friendster eh.
Thursday, April 14, 2005 kwento tol kamusta... reunion ng ilang college and highschool friends namin nung nakaraang saturday. at kagaya ng lahat ng reunion wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan ng kung san man mapunta ang topic. nauwi pa nga ang kwentuhan sa "end of the world" pero di ko na isasalaysay yung tungkol dun. masyadong nakakakilabot, at ayokong maging sanhi ng isang panic. isa lang pare tapos ok na... hindi na ko umiinom ng alak, ilang taon na rin. kung uminom man ako, as beverage na lang at hindi para i enjoy ang impluwensya ng alak sa pagiisip at pakiramdam. sa maikling salitat, tikim lang ang ginagawa ko nung mga nakalipas na taon. kampay pare... hindi ko alam kung bakit ako uminom nung araw na iyon. siguro para pagbigyan na rin ang mga tropa, pakikisama, sayang rin nga naman ang isang daan na pinatak ko dun sa budget namin. hindi rin nila ako patitikimin nung masarap na pulutang chicharon bituka kung hindi ako iinom. kaya ayun, sige go. tagay... hindi inuman ang tawag sa inuman kapag walang kwentuhan. wala nang ibang mas interesanteng kwento kung hindi ang kanya kanyang buhay. dahil kami ay civilized people nagkaroon kami ng sistema. ang sharing ay paikot, magsisimula sa isa sa min tapos counterclockwise. 2nd to the last ako, kumportable na ko sa ganun. hindi naman ganun ka ROYGBIV ang buhay ko kaya ang time slot ko ay kadalasang hindi lumalampas sa 5 mins. kwento... turn ko na (naks english). gaya ng inaasahan ang reaction ng lahat ay "ok naman si ace, walang problema jan. NEXT!!!". weewee muna... bago pa magsimula ang huling magsh-share sinabi ng isa na may alam daw siya tungkol sa kin. cool ako, walang problema. naging open book ang buhay ko sa lahat, alam nila ang alam nila. subalit... sa pagkasabi niyang iyon, ang isang masayang inuman ay nagtransorm sa korte suprema. hik... hik... hik... nagi akong isang controversial na celebrity. sabay sabay na dumating ang mga tanong. para akong akusado sa isang karumaldumal na krimen at ginigisa ng mga senador. wala akong maintindihan. dala na rin yata ng impluwensya ng alak. hilo na ko. idagdag mo pa rito ang high blood na dulot ng masarap na chicharon bituka. *lagok* *lagok*. unti unting humupa ang ingay na dulot ng single, double, at triple barrelled questions. isang pangungusap na lang ang tumatak sa aking isipan... "pre parang wala ka namang tiwala sa min niyan eh". game, siryoso na.. eto ang akin, oo may mga pangyayari sa kin na hindi nila nalalaman. nagiging vocal naman ako in some cases pag may pagkakataon. pero kadalasan wala pagkakataon at hindi naman big deal kung hindi ako makapagshare ng tungkol sa kin. hindi rin big deal para sa kanila yun maliban sa pagkakataong ito. isa pa hindi naman thesis ang buhay ko na kelangan i-report sa kanila ang bawat bagay na nangyayari. yung WALANG TIWALA, ibang usapan na yan. sa pananaw ko ang tiwala hindi lang basta meron o wala, na parang on/off switch na pipindutin mo na lang at, o, ayan may tiwala na ko sa yo. ang TIWALA, sa pananaw ko, meron level yan, parang ragnarok. unti-unting nakakamit at pinaghihirapan kunin. kahit nga raw mismo sa pinakamamahal mong tao hindi mo rin dapat ibigay ang buong pagtitiwala mo. diba gasgas na gasgas na nga yung advice na "wag mo ibigay lahat, magtira ka rin para sa sarili mo". pano pa pag normal na tropa lang? eto pa pala ang isang pangungusap na narinig ko... "no man is an island" kahit kelan hindi ko pa sinabi na "kaya kong mabuhay magisa". sa katunayan nga hanggang sa ngayon nagpapakahirap pa rin ako na madagdagan ang aking friendster list at ituring silang tunay na kaibigan. hinding hindi pa pumapasok sa isipan ko na kaya ko mabuhay magisa, tuldok. eto pa masaklap na pangungusap.. "alam namin marami kang kaibigan... (parang contradiction sa nasulat sa taas) hindi ko maintindihan kung ano ibig sabihin nito. banished na ba ko sa circle of friends namin? kung iniisip nila na may naikukwento ako sa ibang tao na hindi ko nakukwento sa kanila wag sana silang magtampo dahil vise versa yun. may mga bagay rin naman na nasasabi ko sa kanila na hindi ko binabanggit sa iba. depende na lang sa sitwasyon. natapos ang debate. at pagkatapos ng madugong interogasyon sa kin natulog na sila. dalawa na lang kami naiwan nung huling magsh-share. nagusap kami. at ang topic namin? "END OF THE WORLD" in short, usapang laseng.
Wednesday, April 13, 2005 rpn 9 ***** (five out of five stars) ilang taon na rin ako hindi nakaka-enjoy ng cable tv. walang cable sa lugar namin, dream lang ang meron na kapag nagpakabit ka nito para ka na ring nagpaaral ng tatlong anak sa college ng sabay sabay sa laki ng bill na babayaran mo. local channels lang ang napapanood ko. 1,2,3,4,5,7, at 9 lang ang mga kupas na bahagi ng remote control namin. pero walang kaso, kahit bilang lang ang mga channels na nasasagap ng tv naming malabo nakakapaglibang pa rin naman ako. ituon nga natin ang atensyon sa isang local channel. hindi rpn 9 ang pinakakilala at pinakamabiling himpilan ng telebisyon ngayon. boring panoorin ang news, konti ang cartoons at walang top rating local show ang channel na ito. kung titingnan wala nga namang ibabatbat sa mga naghihiganteng kapuso at kapamilya. quality pa lang ng picture may pinagkaiba na. napansin ko kase na sa channel 9, lahat ng shows ,kahit bago, nagmumukhang luma. hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang kalidad ng picture sa channel na ito. ang ibang tao kaya lang inililipat ang tv sa channel na ito ay dahil para tingnan kung anong oras na. sa kaso ko hindi ganun. ngayon ko lang napansin na ang channel 9 pala ang pinakamabiling channel para sa kin. sumusunod lang dito ang channel 23 at channel 7. karamihan ng quality shows tuwing primetime sa channel 9 nakikita. at di tulad ng ibang channels, ang target audience ng channel 9 pag gabi ay ang upper class na uri ng tao na nabibilang sa class a, b, at c. hindi yung mga taong tinatawag na entertainment ang pag batok ni long kay dagul, o kaya naman ay teleserye na wala namang pinagkaiba ang kwento sa iba pang teleserye. ang channel 9, nagpapalabas ng mga shows na kung saan gusto nilang magisip ang viewers nito. kung may comedy man sa 9, hindi ito slapstick na dinadaan sa batukan at pangaapi ang katatawanan. ang sense of humor nila matatawag nating deep. mabibilang dito ang shows na naipalabas na kagaya ng "malcolm in the middle", "dharma and greg", "parker lewis can't lose", "ally mc beal", at "perfect strangers". mahilig din ang channel 9 sa mga shows tungkol sa korte suprema. "the practice", "ally mc beal" (ulit), at ang bagong bago na "cold case" (nasusubaybayan ko na parati), ang mga namamayagpag sa genre na ito. (ie-endorse ko ulit ang "cold case", magandang show ito. ipinapalabas tuwing tuesday ng 9pm) sa action wala ring pagkukulang ang channel na ito, simula dati pa lang andyan na ang macgyver. csi-miami, isa rin sa mga paborito ko. isama na rin dito ang sea quest, the pretender, seven days, john doe, the fugitive, at largo. ay syempre ang pinaka paborito kong serye sa buong buhay ko, roswell. sa umaga naman, isa sa mga paborito ko panoorin ay ang mga japanese documentaries. mga kung anu anong imbensyon, hayop, sining, hobby, pista, o lugar ang fini-feature dito. kadalasan replay pero hindi ako nasasawa panoorin ang mga ito. educational na, entertaining pa. may mga kakulangan rin ang channel 9, ang mga shows nila na mala "public affairs" hindi ganun ka interesante. pag hapon naman iisa rin ang pinapalabas nila, ang home shopping network na nagbebenta ng pantago ng nakakalbong buhok, panakot ng mga daga, pantipid ng kuryente, pampalaki ng boobs, pampapayat, pantanggal ng peklat, at pangwalis ng kalat. hindi ko alam kung malaki ang kinikita nila sa mga palabas na ito ang gusto ko lamang ay palitan sana ang mga ito ng mas magandang palabas. kahit sa cartoons may konting kakulangan ang channel 9. ubod ng konti ng cartoons nila, spongebob nga lang ang kaisa isang naiisip ko eh. parati pang replay. sana madagdagan. pero kung titingnan sa over all aspects ang channel 9, kumpara sa iba maganda ang format ng mga shows nila. quality tv talaga.
Monday, April 11, 2005 beach bum summer ang pinakaaabang na panahon noong ako pa ay nasa grade school. walang pasok, pwede maglaro sa labas araw araw, hanggang sawa ang panonood ng tv at paglalaro ng family computer, at higit sa lahat, ang paboritong paborito na family outing. noong nasa baguio pa ko, sabay sabay kami ng mga kapitbahay namin na mag family outing. kadalasan sa beach ito ginaganap, masaya. sabay sabay sa sasakyan, toka toka sa pagkain, at kanya kanyang dalang mga kwento. sa la union ang kadalasan naming puntahan na beach, ito na kase ang pinakamalapit. dalawa hanggang tatlong oras ang karaniwang tagal ng biyahe papunta sa beach. sa ganito kahabang biyahe siguradong mabilis maginit ang mga ulo ng mga bata. dahil na sa pagkainip. "mommy, gano pa ba katagal ang biyahe? kanina ko pa natatanaw yung beach pero hindi pa rin tayo bumababa, huhuhuhuhu!" iyan ang lumalabas sa mga bibig ng mga musmos. dala ng pagkasabik makapiling ang dagat at maglaro dito. masarap nga naman sa dagat, masarap paglaruan ang mga buhangin nito. ilang beses ko na rin sinubukan gumawa ng sand castle na kahit anong pagpapaganda ay iisa lang ang lumalabas na itsura, isang tumpok ng buhangin. ang pasuntok sa mga pasugod na alon nakaka-miss na rin. ang mga salbabida na interior ng gulong, ang mga goggles na kadalasang pinapasok rin ng tubig, at ang mga snorkles, lahat sila kasama sa beach. hindi kumpleto ang beach outing kapag wala ang mga masasarap na pagkain. pamilyar na pamilyar ang amoy ng inihaw na bangus. ito ang paborito kong baon. at kadalasan pagkatapos kumain sa dagat na rin lang babanlawan ang mga kamay para matanggal ang lansa at mantika ng kinain na bangus. lahat ng inihaw masarap sa beach. inihaw na porkchop, barbicue, inihaw na pusit at lechon manok. bagay na bagay sa beach lalo na pag ang kakainan mo ay ang dahon ng saging at kamay lang ang gagamitin, walang chopsticks at walang kubyertos. at habang kumakain, hindi pwedeng walang panulak. andiyan naman ang mga gulaman, juice, at softdrinks na may buhangin. at sa huli hindi rin mawawala ang dessert. buko pandan, halo halo, mais con yelo, saba con yelo, at iba't ibang uri ng pampalamig pangontra sa matinding sikat ng araw tuwing summer. pagkatapos ng kain ay balik sa pagliligo sa beach, suot ang mga puruntong at bathing suit muling magpapa-itim at magpapa-sunburn sa seashore. tuloy tuloy na ito hanggang alas sais ng hapon. kadalasang nauuwi ang scenario sa mga maiinit na ulong mga magulang at nagiiyakang mga bata na ayaw pa rin umahon. pulang mga mata, maaalat na dila, underwear na may buhangin, at maiitim na kutis ang haharap sa shower room na puno naman ng buhangin ang sahig. pagkatapos ng maghapong kasiyahan, biyahe nanaman pauwi. tulog ang lahat, at sa pagtulog naiimagine pa rin ang pag-alon ng dagat.
Friday, April 08, 2005 untitled song 01 gumawa ako ng maikling awit. heto, medyo mala emo siya. and now there's nothing left to do with blackened thoughts and random heartbeats i breathe the energy with you those star lit eyes made me realize i had but i never knew - you i never knew i had my heart in you i never knew i had my soul with you but now i do
Wednesday, April 06, 2005 balang araw ako ay magiging isang... nung isang araw, habang naghahalungkat ng mahahalungkat sa kwarto ko nakakita ako ng isang kaaya ayang bagay. year book ko nung pre-elem ako. dahil matagal ko na itong hindi nakikita, ninais ko na magaaksaya ng oras upang buklatin ito. ayos, parang time capsule. maraming impormasyon nung panahon na iyon ang nakalagay sa yearbook. dun ko lang nalaman na noong 1987, 32 pesos per unit ang bayad ng tuition sa university of baguio. anim na numero pa lang ang telephone numbers. at ang mga mukha ng tao, old school na old school. yung mga kalalakihan na staff ng school ang mga buhok mala vst and co na kapag magpagupit ka ng ganun ngayon ay siguradong mapagkakamalan kang karpintero, dagdagan mo pa ng bigote. ang mga teachers naman naming babae ay kulot kulot na may bangs. ginagaya yata si manilyn reynes nung panahong iyon. manipis lang ang year book, kokonti lang kase ang mga estudyante sa eskwelahan namin. kulang sa twenty five ang bawat estudyante sa bawat classroom pero kahit ganun parang dalawa o tatlo na lang yata ang naaalala kong mga mukha at pangalan. mga kaklase ko nung pre elem na naging kaklase ko rin nung elementary. habang isa isang tinitingnan ang mga graduates may isang bagay ang kumuha ng aking atensyon. "ambition", iyan ang isang nakasulat kasama ng pangalan, section, at birthday na nakalagay sa ilalim ng bawat larawan. ang saya tingnan, bata pa lang ay marunong nang mangarap ang bawat isa. sa mga lalaki, ang pinaka popular na ambisyon ay ang "to be a pilot". lahat yata gustong maging jet fighter. maporma kase, lalong lalo na sa cartoons. pumapangalawa sa pagiging piloto ay ang pagsusundalo. sikat na sikat si rambo nung panahong iyon, ang sarap nga namang gayahin. hindi naman nagpapahuli ang mga gustong maging "policeman", si robocop yata ang idol nila. kasama nga ako dito. andyan din ang mga gustong magdoktor. sa mga babae pinaka popular na career ay ang "nurse". hindi ko alam kung anong meron ang nurse pero kahit ngayon ito pa rin ang gusto ng karamihan. course ng bayan na nga ito kung ituring. bukod pa sa pagiging nurse ang gusto ng mga kababaihan ay ang maging, ballet dancer. hindi ko lang alam kung ilan sa kanila ang nagpatuloy i-pursue ang career na ito. andiyan din ang mga gusto maging teacher at stewardess. hindi ko lang maintindihan kung bakit nung kapanahunan namin wala pa yatang nagaambisyon maging model pero ngayon ito ang ambisyon ng lahat ng sumasali sa little miss philippines. sa aming mumunting eskwelahan, meron din namang mga estudyante na kakaiba ang trip sa buhay, mga iba ang hanap na trabaho. pero wag silang apihin, marangal na trabaho ang ambisyon nila. heto ang mga nakita ko: - fisherman - farmer - driver - boxer - clown - waiteress - security guard - barber sa dinami dami ng estudyante meron palang isang nagambisyon nito, "to take up computer science". pano kaya niya nalaman na may computer na pala nun?
Tuesday, April 05, 2005 chat nung isang linggo habang taimtim akong gumagawa ng program biglang may naganap. "Buzz!!!" ang sabi ng ng YM. nakausap ko ang isang amerikano at medyo interesante nga naman ang aming paguusap. magalang naman yung nakausap ko. walang bahid ng diskriminasyon. yun nga lang hindi ko masyado nagustuhan ang pagkakakilala ng ibang mga foreigner sa bansa natin. heto nga pala ang una naming paguusap. medyo naubos ang english ko pero ayos lang nagkakaintindihan naman kami. junior_62388: yo junior_62388: u playing starcraft? a_aspi: used to.. why? junior_62388: ohh well i need to learn how to play junior_62388: u good? a_aspi: well, during my time yes.. but i haven't played for ages junior_62388: are u from the US? junior_62388: kool a_aspi: nah a_aspi: im from the philippines junior_62388: woa thats cool a_aspi: :) a_aspi: where are u from? junior_62388: from texas a_aspi: ah ic.. junior_62388: u know were that is? junior_62388: so i guess u heard about the sunami? junior_62388: that hit asia? a_aspi: yeah.. junior_62388: how old are u a_aspi: im 22 junior_62388: im 1 junior_62388: 1m 17 junior_62388: lol a_aspi: i have relatives living in texas junior_62388: im 17* junior_62388: really what city? a_aspi: im not sure junior_62388: well i live in san antonio a_aspi: i see a_aspi: :) junior_62388: are yall able ot see the nba over there? a_aspi: yeah junior_62388: the spurs? a_aspi: i've heard that there was snow there last dec. junior_62388: were in texas junior_62388: perhaps but a little bit a_aspi: yeah a_aspi: it was like 90 plus years since the last snow fall in that area a_aspi: ;) junior_62388: lol yea junior_62388: so how is the phillaphines? a_aspi: still a beautiful country junior_62388: no offense but i would of never thought that they had computers there a_aspi: nah.. junior_62388: no sorry a_aspi: i love you virus was created by a filipino junior_62388: lol cool a_aspi: actually we are really good in computers. a_aspi: here's a secret junior_62388: u work in an office or what? a_aspi: in an office junior_62388: wow junior_62388: uhuh? a_aspi: you know all those help lines that you call up whenever you need help in operating computers? junior_62388: yea a_aspi: most of them are based here in the philippines junior_62388: its located over there? junior_62388: lol junior_62388: crazy stuff a_aspi: yeah junior_62388: u make good money doing that? junior_62388: thats good junior_62388: what company is it junior_62388: dell? a_aspi: computer programming a_aspi: dell is one a_aspi: ;) a_aspi: sony also junior_62388: aol? a_aspi: yeah.. junior_62388: nice a_aspi: and most of america's isp's junior_62388: they teach yall everything? a_aspi: yeah a_aspi: ;) junior_62388: cool junior_62388: well my name is claudio a_aspi: ic a_aspi: call me ace a_aspi: :) junior_62388: kool a_aspi: me and my friends formed our own small company. if you want to check our site it's www.sharpscripts.com a_aspi: :) junior_62388: ok a_aspi: do you play counterstrike? junior_62388: i dont have it junior_62388: but i think ive seen the game junior_62388: for pc or what system? a_aspi: for pc junior_62388: this is a cool website a_aspi: thanks junior_62388: i know html junior_62388: thats about it a_aspi: that's good junior_62388: im good at computers also junior_62388: like networking and computer maintenence junior_62388: stuff like that a_aspi: :) a_aspi: i use visual basic here in the office junior_62388: its much easier huh? a_aspi: html is easier. junior_62388: well basic uses a program dont it? a_aspi: yeah junior_62388: well im gona go eat junior_62388: nice talking to u ace junior_62388: ill talk to you later a_aspi: ok.. bye.. sa sunod naming paguusap nagmistulang ambassador ako ng wow philippines. nga pala pwede kayo mag nature trip sa blog ni mark cruise, karamihan ng magagandang tanawin sa pilipinas libre lang palang bisitahin. kung gusto niyo ng mga halimbawa bisitahin ang kabundukan ni mark dito.
|
|||
Blogger |