![]() |
||||
|
The Chosen One
22 years old | 12 Oct 1982 libra | pinanganak sa baguio bunso sa tatlo DLSU-D Grad | BS Computer Science mahilig sa: sports literature music art at travel YM id: a_aspi
Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet. Prayers
Worship Area bobong pinoy dlsu-d undernet peyups dekada i-snare roswell sharpscripts creativeminds nba friendster guitar tabs friends fan site Army of Angels aimee's journal ahvy's site aleng's blog ava's blog basilio's blog bcs 4-1's blog chert's blog cheska's blog clarisse' blog dada's blog des' blog denisse' blog esteban's blog georgie's site gia's blog hanigrey's blog ida's arts ilie's blog jack's blog jasper's blog jeff's blog jet's blog jeyem's blog juan frederico's blog jhoanne's page josie's blog joyce's xanga joycie's blog keo's blog klariz' blog lei's blog lorraine's blog maky's blog marelle's blog mark's blog martin's blog mary's blog mayi's blog mike's blog nerozero's blog nikki's blog nix's blog red's blog reng's site sarge's blog sheena's blog sheen's blog rgie and tala's blog tala's blog tenten's blog tin toyo site ver's blog very's blog yzza's page Reincarnation Count Afterlife Ang Kalawakan Unused Area
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday |
Monday, May 16, 2005 anna katrina kahapon ko unang beses nakita ng personal ang most celebrated female artist ng pilipinas sa kasalukuyan na si kitchie nadal. nagkaroon kase siya ng maikling gig sa robinson's place- dasmarinas. malapit lang sa aming bahay ang robinson's kaya minabuti kong manood ng kanyang live performance. 4pm ang simula ng show at sakto ang dating ko. marami na nga lang nauna pa sa kin dumating kaya bandang likod na rin ang napwestuhan ko. pero kahit ganun walang pa ring problema, mga taga lilliput naman yata ang mga taong nasa harapan ko kaya't kitang kita ko pa rin ang stage. malinaw na malinaw. walang duda. unang lumabas ang mga band members. hindi ko mamukaan ang iba maliban na lang dun sa gitaristang naka nganga sa music video ng "wag na wag mong sasabihin". may extra band member din pala, meron na silang taga tambol ngayon. matapos ang ilang minuto ng pagtotono ng mga gitara, percussions at drumset lumabas na rin si kitchie suot ang kulay green na soccer jersey na number 11 at nakalagay ang salitang "JESUS". dinampot ang gitara at lumapit sa mic. sigawan ang mga tao. umpisa na. 7 songs ang kinanta ng banda. nagsimula sa "run", sinundan ng "fire". sumunod ang dalawang opm hits na "pagsubok" (originally done by orient pearl) at "tuwing umuulan at kapiling ka" (hindi ko matandaan kung sino ang original pero ni-revive din ito ng eraserheads noong 1997 at ni regine velasquez). pagkatapos nun ay ang "same ground". sinundan ng walang kamatayang "wag na wag mong sasabihin". kinanta naman ang "bulong" para sa finale. maganda ang performance. sulit na sulit, lalo na at libre ito. astig talaga ang powerful vocals ni kitchie, parang recorded sa studio talaga ang quality kahit live. pati yung "ha-ah-ha-ah-ha-ah" (hindi ko alam i-explain yung tunog pero yan yung parang hingal ng aso na ginagawa niya) sa kantang "fire" kuhang kuha. ika nga nila "sings to express and not to impress". enjoy ang lahat hanggang sa matapos ang gig. sayang nga lang at may humiram ng kopya ng cd ko kaya't hindi ko na ito napapirmahan sa kay kitchie. inisip ko na lang na hindi pa ito ang huling beses ko na mapapanood siya kaya't may next time pa ko para magpapirma. binalak ko rin na bumili ng t-shirt niya na nakita ko sa www.kitchienadal.net pero parang wala naman akong nakitang binebenta. next time na rin lang siguro. basta, sigurado ako babantayan ko ang gig sked niya, papanoorin ko siya ulit... sama kayo sa kin next time. para sa mga sked ni kitchie bisitahin lamang ang dalawang site na ito: www.kitchienadal.com www.kitchienadal.net suportahan natin ang local music. iwasang tumangkilik ng piratang cd. tulong na rin natin sa kanila yun, astig naman sila diba?
|
|||
| Blogger | ||||