The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Saturday, April 30, 2005

summer sentihan

summer vacation. ang panahon na pinakaaabangan ng mga bata. walang gisingan ng maaga. sa wakas, makakpagpahinga ng dalawang buwan ang alarm clock na napapaos na halos ang tunog. walang pasok. walang homework, assignment, at projects. tv, kain at laro lang ang iniikutang mundo ng mga bibwit.

minsan, nagmemerienda ako ng c2 at nova sa tindahan at 'di kalayuan nakita ko ang isang grupo ng mga bata na naglalaro ng langit lupa. nag senti nanaman ako, naalala ko ang aking kabataan. nainggit ako. kung pwede lang ibalik ang sarili ko sa mga oras iyon ay gagawin ko. gusto kong bumalik sa panahon kung saan ang pinakamalaking problema ko lamang ay ang pagiging taya sa laro. sa panahon kung saan maghapon kaming nagbibilad sa araw para lang patunayan kung sino ang mas magaling sa patintero. sa panahon kung saan masaya pang maglaro at maligo sa ulan. sa panahon kung saan ang buong barkada ay humihingi ng 50 sentimos (yung may ibon) sa kanya kanyang mga magulang at sabay sabay na bumibili ng ice candy sa tindahan.

imposible ang binabalak kong time travel, sa mga alaala ko na lang puwede namnamin ang mga nakaraan. ito ang gagawin ko ngayon.

karaniwang nagsisimula ang isang araw ko ng bakasyon noon sa maagang paggising. 8am kadalasan. pagkatapos ng mga morning rituals ang hapag kainan ang una kong tambayan upang mag-almusal. kahit isang baso ng milo at tinapay na isasawsaw dito solb na.

hindi ako kaagad nakakalabas ng bahay pagkatapos ng almusal. at kahit naririnig ko na ang mga sigawan at padyak ng mga kalarong naghahabulan wala akong ibang magagawa kung hindi mainggit ng pansamantala. obligasyon ko na maglampaso sa buong bahay bago makalabas. kailangan ko muna gawin ang pagbubunot ng sahig, pagkatapos nito tsaka pa lamang ako pwedeng makipaglaro.

pag tumutok na ang orasan sa 10:00am pansamantalang matitigil ang paglalaro. kung sa family computer, pipindutin muna ang pause. uuwi muna ang lahat para manood ng tv. soap opera para sa mga bata. cedie, dog of flanders, remi, julio at julia, etc. lahat yan sinubaybayan namin. mas masaya nga pala ito kapag samasama lahat na manonood sa bahay ng isang kalaro.

pagkatapos ng cartoons resume ulit ang laro matitigil na lang ito kapag isa isa kaming tinawag para umuwi at kumain ng tanghalian.

pagkatapos kumain iisa lang ang maririnig sa mga matatanda, "matulog muna, wag muna maglalaro sa labas, baka ma-apendiks ka!!!". sa awa ng Diyos wala naman sa min ng mga kalaro ko ang "na-apendiks".

kahit mainit pa ang sikat ng araw balik agad ang lahat sa kalye upang maglaro maliban na lang siguro sa mga nawiling manood ng eat bulaga. simula ulit ng mahabang hapon. pili na lang sa menu kung ano ang gusto. taguan pung, patintero, shato, langit lupa, tumbang preso, bahay bahayan, piko.

sa paglalaro may iiyak, may mapipikon, may mangpipikon, at may mandaraya. may uuwi na napagkaisahan at may uuwi ng may sugat sa binti. eto ang sigurado, uuwi ang lahat ng amoy pawis ang ulo habang sinasabi "BUKAS ULIT!".


Blogger