The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Wednesday, April 13, 2005

rpn 9 ***** (five out of five stars)

ilang taon na rin ako hindi nakaka-enjoy ng cable tv. walang cable sa lugar namin, dream lang ang meron na kapag nagpakabit ka nito para ka na ring nagpaaral ng tatlong anak sa college ng sabay sabay sa laki ng bill na babayaran mo.

local channels lang ang napapanood ko. 1,2,3,4,5,7, at 9 lang ang mga kupas na bahagi ng remote control namin. pero walang kaso, kahit bilang lang ang mga channels na nasasagap ng tv naming malabo nakakapaglibang pa rin naman ako.

ituon nga natin ang atensyon sa isang local channel.

hindi rpn 9 ang pinakakilala at pinakamabiling himpilan ng telebisyon ngayon. boring panoorin ang news, konti ang cartoons at walang top rating local show ang channel na ito. kung titingnan wala nga namang ibabatbat sa mga naghihiganteng kapuso at kapamilya. quality pa lang ng picture may pinagkaiba na. napansin ko kase na sa channel 9, lahat ng shows ,kahit bago, nagmumukhang luma. hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang kalidad ng picture sa channel na ito. ang ibang tao kaya lang inililipat ang tv sa channel na ito ay dahil para tingnan kung anong oras na.

sa kaso ko hindi ganun. ngayon ko lang napansin na ang channel 9 pala ang pinakamabiling channel para sa kin. sumusunod lang dito ang channel 23 at channel 7. karamihan ng quality shows tuwing primetime sa channel 9 nakikita. at di tulad ng ibang channels, ang target audience ng channel 9 pag gabi ay ang upper class na uri ng tao na nabibilang sa class a, b, at c. hindi yung mga taong tinatawag na entertainment ang pag batok ni long kay dagul, o kaya naman ay teleserye na wala namang pinagkaiba ang kwento sa iba pang teleserye.

ang channel 9, nagpapalabas ng mga shows na kung saan gusto nilang magisip ang viewers nito. kung may comedy man sa 9, hindi ito slapstick na dinadaan sa batukan at pangaapi ang katatawanan. ang sense of humor nila matatawag nating deep. mabibilang dito ang shows na naipalabas na kagaya ng "malcolm in the middle", "dharma and greg", "parker lewis can't lose", "ally mc beal", at "perfect strangers".

mahilig din ang channel 9 sa mga shows tungkol sa korte suprema. "the practice", "ally mc beal" (ulit), at ang bagong bago na "cold case" (nasusubaybayan ko na parati), ang mga namamayagpag sa genre na ito.

(ie-endorse ko ulit ang "cold case", magandang show ito. ipinapalabas tuwing tuesday ng 9pm)

sa action wala ring pagkukulang ang channel na ito, simula dati pa lang andyan na ang macgyver. csi-miami, isa rin sa mga paborito ko. isama na rin dito ang sea quest, the pretender, seven days, john doe, the fugitive, at largo. ay syempre ang pinaka paborito kong serye sa buong buhay ko, roswell.

sa umaga naman, isa sa mga paborito ko panoorin ay ang mga japanese documentaries. mga kung anu anong imbensyon, hayop, sining, hobby, pista, o lugar ang fini-feature dito. kadalasan replay pero hindi ako nasasawa panoorin ang mga ito. educational na, entertaining pa.

may mga kakulangan rin ang channel 9, ang mga shows nila na mala "public affairs" hindi ganun ka interesante. pag hapon naman iisa rin ang pinapalabas nila, ang home shopping network na nagbebenta ng pantago ng nakakalbong buhok, panakot ng mga daga, pantipid ng kuryente, pampalaki ng boobs, pampapayat, pantanggal ng peklat, at pangwalis ng kalat. hindi ko alam kung malaki ang kinikita nila sa mga palabas na ito ang gusto ko lamang ay palitan sana ang mga ito ng mas magandang palabas.

kahit sa cartoons may konting kakulangan ang channel 9. ubod ng konti ng cartoons nila, spongebob nga lang ang kaisa isang naiisip ko eh. parati pang replay. sana madagdagan.

pero kung titingnan sa over all aspects ang channel 9, kumpara sa iba maganda ang format ng mga shows nila. quality tv talaga.


Blogger