The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Thursday, April 28, 2005

lifestyle check

nung linggo kausap ko sa internet si jep, isang kaibigan na nagtatrabaho sa aol. nabanggit niya ang isang pangungusap na hindi naman talaga sakop ng topic na pinaguusapan namin. ang sabi niya, "ang sarap talaga ng kulay pulang piknik, sweldo kase kaya nakabili ako nito". mababaw kung titingnan ng iba. cheap kung baga, at sa pananaw ng iba ang cheap ay hindi kasing saya ng mga hobbies, past times at mga bagay bagay na pinagkakagastusan. minsan naging ganun din ang paniniwala ko.

masaya ako nung unang beses ako nakakuha ng trabaho dahil kikita na ko ng sarili kong salapi. pwede na ako magkape sa starbucks. pwede na ko bumili ng mamahaling damit. pwede na ko gumamit ng pabango ng hindi tinitipid. pwede na ko makainom ng smirnoff. pwede na ko bumili ng latest cellphone model ng nokia. pwede na ko mag-pasta sa california pizza kitchen. may pera na ko, pwede na ko magpakagalante. pwede na ko magpakasaya.

laging ubos ang sweldo ko, nasanay ako sa mga magagastos na bagay. binibili ko ang kahit anong gusto ko. hindi ko tinitipid ang sarili ko, hangga't merong pwedeng pagkagastusan gagastos at gagastos. masaya ako at nagagastusan ko ang sarili ko nun. nagbago na ang lifestyle ko. galante.

minsan, wala naging mailap ang pera. namomroblema ako dahil hindi ako makaalis, hindi ako maka-gimik, hindi "makapagsaya". kaya ayun, wala na kong nagawa kung hindi mag-munimuni na lang sa sala. problema ko ang pera. hindi ko naman dati iniisip ito.

naalala ko ang sinabi ko nung pumapasok pa ko ng college, "kahit 250 pesos lang sa isang araw ang sweldo ko, kasyang kasya na sa kin yun, makakaipon pa ko". anong nangyari dun? baket hindi ganon ang naging lagay ko. doble ang kinikita ko pero parang kulang pa rin. iba na ba ang hanap ko sa buhay? san nga ba napunta yung mga araw na masaya na ko kapag nakapag merienda ako ng blend 45 at cheese bread sa bahay? bakit kelangan sa starbucks pa ko mag-kape? bakit hindi na ko nasasarapan sa "lucky me!" pancit canton? bakit sa oras na magbibilyar kelangan dun pa sa 150php/hr ang bayad at hindi dun sa kanto na 50 piso lang kada oras? bakit kelangan ko magpaka-galante?

dun ko napansin na iba na ang hanap ko sa buhay, pera na ang pinakamalaking impluwensya na nagpapaikot sa kin. pagpapayaman na ang ambisyon ko na napakahirap namang gawin. pinapahirapan ko ang sarili ko.

gusto kong ibalik ang standards ng buhay ko sa dati. kung san labis labis na ang 250 pesos para sa isang araw. kung san mabababaw lang ang pangarap ko sa buhay at madaling abutin. kung saan libre lang halos ang pinagkakaabalahan. kung saan, katulad ni jep, isang lata lang ng piknik lang pwede na kong maging masaya.

masarap ang simpleng buhay, simple lang ang mga hinahanap. madali lang abutin. madali lang maging masaya.


Blogger