The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Monday, April 11, 2005

beach bum

summer ang pinakaaabang na panahon noong ako pa ay nasa grade school. walang pasok, pwede maglaro sa labas araw araw, hanggang sawa ang panonood ng tv at paglalaro ng family computer, at higit sa lahat, ang paboritong paborito na family outing.

noong nasa baguio pa ko, sabay sabay kami ng mga kapitbahay namin na mag family outing. kadalasan sa beach ito ginaganap, masaya. sabay sabay sa sasakyan, toka toka sa pagkain, at kanya kanyang dalang mga kwento. sa la union ang kadalasan naming puntahan na beach, ito na kase ang pinakamalapit. dalawa hanggang tatlong oras ang karaniwang tagal ng biyahe papunta sa beach. sa ganito kahabang biyahe siguradong mabilis maginit ang mga ulo ng mga bata. dahil na sa pagkainip.

"mommy, gano pa ba katagal ang biyahe? kanina ko pa natatanaw yung beach pero hindi pa rin tayo bumababa, huhuhuhuhu!"

iyan ang lumalabas sa mga bibig ng mga musmos. dala ng pagkasabik makapiling ang dagat at maglaro dito.

masarap nga naman sa dagat, masarap paglaruan ang mga buhangin nito. ilang beses ko na rin sinubukan gumawa ng sand castle na kahit anong pagpapaganda ay iisa lang ang lumalabas na itsura, isang tumpok ng buhangin. ang pasuntok sa mga pasugod na alon nakaka-miss na rin. ang mga salbabida na interior ng gulong, ang mga goggles na kadalasang pinapasok rin ng tubig, at ang mga snorkles, lahat sila kasama sa beach.

hindi kumpleto ang beach outing kapag wala ang mga masasarap na pagkain. pamilyar na pamilyar ang amoy ng inihaw na bangus. ito ang paborito kong baon. at kadalasan pagkatapos kumain sa dagat na rin lang babanlawan ang mga kamay para matanggal ang lansa at mantika ng kinain na bangus. lahat ng inihaw masarap sa beach. inihaw na porkchop, barbicue, inihaw na pusit at lechon manok. bagay na bagay sa beach lalo na pag ang kakainan mo ay ang dahon ng saging at kamay lang ang gagamitin, walang chopsticks at walang kubyertos. at habang kumakain, hindi pwedeng walang panulak. andiyan naman ang mga gulaman, juice, at softdrinks na may buhangin. at sa huli hindi rin mawawala ang dessert. buko pandan, halo halo, mais con yelo, saba con yelo, at iba't ibang uri ng pampalamig pangontra sa matinding sikat ng araw tuwing summer.

pagkatapos ng kain ay balik sa pagliligo sa beach, suot ang mga puruntong at bathing suit muling magpapa-itim at magpapa-sunburn sa seashore. tuloy tuloy na ito hanggang alas sais ng hapon.

kadalasang nauuwi ang scenario sa mga maiinit na ulong mga magulang at nagiiyakang mga bata na ayaw pa rin umahon. pulang mga mata, maaalat na dila, underwear na may buhangin, at maiitim na kutis ang haharap sa shower room na puno naman ng buhangin ang sahig.

pagkatapos ng maghapong kasiyahan, biyahe nanaman pauwi. tulog ang lahat, at sa pagtulog naiimagine pa rin ang pag-alon ng dagat.


Blogger