The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Wednesday, April 06, 2005

balang araw ako ay magiging isang...

nung isang araw, habang naghahalungkat ng mahahalungkat sa kwarto ko nakakita ako ng isang kaaya ayang bagay. year book ko nung pre-elem ako. dahil matagal ko na itong hindi nakikita, ninais ko na magaaksaya ng oras upang buklatin ito.

ayos, parang time capsule. maraming impormasyon nung panahon na iyon ang nakalagay sa yearbook. dun ko lang nalaman na noong 1987, 32 pesos per unit ang bayad ng tuition sa university of baguio. anim na numero pa lang ang telephone numbers. at ang mga mukha ng tao, old school na old school. yung mga kalalakihan na staff ng school ang mga buhok mala vst and co na kapag magpagupit ka ng ganun ngayon ay siguradong mapagkakamalan kang karpintero, dagdagan mo pa ng bigote. ang mga teachers naman naming babae ay kulot kulot na may bangs. ginagaya yata si manilyn reynes nung panahong iyon.

manipis lang ang year book, kokonti lang kase ang mga estudyante sa eskwelahan namin. kulang sa twenty five ang bawat estudyante sa bawat classroom pero kahit ganun parang dalawa o tatlo na lang yata ang naaalala kong mga mukha at pangalan. mga kaklase ko nung pre elem na naging kaklase ko rin nung elementary.

habang isa isang tinitingnan ang mga graduates may isang bagay ang kumuha ng aking atensyon. "ambition", iyan ang isang nakasulat kasama ng pangalan, section, at birthday na nakalagay sa ilalim ng bawat larawan. ang saya tingnan, bata pa lang ay marunong nang mangarap ang bawat isa.

sa mga lalaki, ang pinaka popular na ambisyon ay ang "to be a pilot". lahat yata gustong maging jet fighter. maporma kase, lalong lalo na sa cartoons. pumapangalawa sa pagiging piloto ay ang pagsusundalo. sikat na sikat si rambo nung panahong iyon, ang sarap nga namang gayahin. hindi naman nagpapahuli ang mga gustong maging "policeman", si robocop yata ang idol nila. kasama nga ako dito. andyan din ang mga gustong magdoktor.

sa mga babae pinaka popular na career ay ang "nurse". hindi ko alam kung anong meron ang nurse pero kahit ngayon ito pa rin ang gusto ng karamihan. course ng bayan na nga ito kung ituring. bukod pa sa pagiging nurse ang gusto ng mga kababaihan ay ang maging, ballet dancer. hindi ko lang alam kung ilan sa kanila ang nagpatuloy i-pursue ang career na ito. andiyan din ang mga gusto maging teacher at stewardess. hindi ko lang maintindihan kung bakit nung kapanahunan namin wala pa yatang nagaambisyon maging model pero ngayon ito ang ambisyon ng lahat ng sumasali sa little miss philippines.

sa aming mumunting eskwelahan, meron din namang mga estudyante na kakaiba ang trip sa buhay, mga iba ang hanap na trabaho. pero wag silang apihin, marangal na trabaho ang ambisyon nila.

heto ang mga nakita ko:

- fisherman
- farmer
- driver
- boxer
- clown
- waiteress
- security guard
- barber

sa dinami dami ng estudyante meron palang isang nagambisyon nito, "to take up computer science". pano kaya niya nalaman na may computer na pala nun?


Blogger