The Saga Continues... - Mga Weblogs Ni Ace

The Chosen One

Ace
22 years old | 12 Oct 1982
libra | pinanganak sa baguio
bunso sa tatlo
DLSU-D Grad | BS Computer Science
mahilig sa:
sports
literature
music
art
at travel
YM id: a_aspi

Refer this blog to your friends kung hindi sasara ang inyong mga puwet.

We are... HEALING.

Prayers

www.tag-board.com
Prophet Name

Sanctuary

Messages(smilies)

Worship Area

pinoy blog
bobong pinoy
dlsu-d undernet
peyups
dekada
i-snare
roswell
sharpscripts
creativeminds
nba
friendster
guitar tabs
friends fan site

Army of Angels

advent's blog
aimee's journal
ahvy's site
aleng's blog
ava's blog
basilio's blog
bcs 4-1's blog
chert's blog
cheska's blog
clarisse' blog
dada's blog
des' blog
denisse' blog
esteban's blog
georgie's site
gia's blog
hanigrey's blog
ida's arts
ilie's blog
jack's blog
jasper's blog
jeff's blog
jet's blog
jeyem's blog
juan frederico's blog
jhoanne's page
josie's blog
joyce's xanga
joycie's blog
keo's blog
klariz' blog
lei's blog
lorraine's blog
maky's blog
marelle's blog
mark's blog
martin's blog
mary's blog
mayi's blog
mike's blog
nerozero's blog
nikki's blog
nix's blog
red's blog
reng's site
sarge's blog
sheena's blog
sheen's blog
rgie and tala's blog
tala's blog
tenten's blog
tin toyo site
ver's blog
very's blog
yzza's page

Reincarnation Count

Afterlife

back to main page...

Ang Kalawakan Unused Area

Blog Started June 19, 2004 Weblogs Ni Ace v2.0 Everything Copyright © Kuya Ace Ng Bayan 2004
All Rights Reserved
Best View: 800x600 Resolution

If reading this blog causes mental constipation, consult your psychiatrist immediately





these words were written by the same hand that will touch millions of hearts someday

Tuesday, May 17, 2005

reincarnation

mahilig ako sa forums. masarap nga naman makipagpalitan ng mga kuro-kuro sa iba't ibang tao. lalong lumalawak ang bahagyang makitid kong pagiisip dahil sa mga ganitong bagay.

kanina lang may nireplayan akong forum sa tinig.com. ang category ay paranormal at ang topic naman ay reincarnation. kung totoo ba ito o hindi? agree ka ba sa konseptong ito o hindi?

para sa akin, hindi ako naniniwala.


heto ang aking naging reply sa forum:


hmmmm.. reincarnation.. disagree ako dito..

sa aking pagkakaintindi... ganito... ang sabi ng mga hindu everytime na mare-reincarnate ka sa panibagong uri ng katawan, binabase sa naging performance mo nung past lifetime kung ano ang next mong anyo. iba iba ang level. may oso, tuko, aso, pabo, pusa, hipon, pulgas, kabayo at shempre ang pinakamataas sa lahat, ang tao.. ang pagka-reincarnate daw ng 7 sunod na beses bilang tao ay ang pinaka super saiyan mode sa lahat. ibig sabihin nito santo ka na. nirvana ang tawag sa 7th consecutive reincarnation bilang human.

kontradiksyon... kung susuriin ang populasyon, dumadami ng dumadami ang tao. ibig sabihin tumataas ang level ng karamihan tuwing nare-reincarnate. kaya nadadagdagan ang listahan ng mga endangered species dahil narereincarnate ang mga hayop na ito bilang tao??? hmmmm.... hindi ba't pasama ng pasama ang mga tao ngayon kumpara sa past? kung totoo ang reincarnation ba't ganun, continious pa rin ang paglobo ng populasyon ng tao habang dumadami naman ang makasalanan?

isa pa, naniniwala ako sa Diyos.


kung totoo man ang reincarnation ibig sabihin kung ilan ang bilang ng mga buhay na bagay noon ganon din ang bilang sa ngayon dahil nagiiba lamang ng anyo ang mga ito. kapag may isang mamamatay, may isa namang mabubuhay. kung ganon ang ikot ng buhay sa mundo masyado nang chaotic. makapag-breed lang tayo ng sampung libong kuto may probability na sampung libong tao naman ang mababawas sa populasyon ng tao. kapag makapatay naman tayo ng isang colony ng anay sa dingding ng ating bahay ano naman ang mangyayari??? balanse ang populasyon pero may imbalance sa nature. mabuhay pa kaya tayo nun? kung naniniwala ka sa reincarnation, malamang oo. hehe.


Kuya Ace Ng Bayan at 3:00 PM



Monday, May 16, 2005

anna katrina

kahapon ko unang beses nakita ng personal ang most celebrated female artist ng pilipinas sa kasalukuyan na si kitchie nadal. nagkaroon kase siya ng maikling gig sa robinson's place- dasmarinas. malapit lang sa aming bahay ang robinson's kaya minabuti kong manood ng kanyang live performance.

4pm ang simula ng show at sakto ang dating ko. marami na nga lang nauna pa sa kin dumating kaya bandang likod na rin ang napwestuhan ko. pero kahit ganun walang pa ring problema, mga taga lilliput naman yata ang mga taong nasa harapan ko kaya't kitang kita ko pa rin ang stage. malinaw na malinaw. walang duda.

unang lumabas ang mga band members. hindi ko mamukaan ang iba maliban na lang dun sa gitaristang naka nganga sa music video ng "wag na wag mong sasabihin". may extra band member din pala, meron na silang taga tambol ngayon.

matapos ang ilang minuto ng pagtotono ng mga gitara, percussions at drumset lumabas na rin si kitchie suot ang kulay green na soccer jersey na number 11 at nakalagay ang salitang "JESUS". dinampot ang gitara at lumapit sa mic. sigawan ang mga tao. umpisa na.

7 songs ang kinanta ng banda. nagsimula sa "run", sinundan ng "fire". sumunod ang dalawang opm hits na "pagsubok" (originally done by orient pearl) at "tuwing umuulan at kapiling ka" (hindi ko matandaan kung sino ang original pero ni-revive din ito ng eraserheads noong 1997 at ni regine velasquez). pagkatapos nun ay ang "same ground". sinundan ng walang kamatayang "wag na wag mong sasabihin". kinanta naman ang "bulong" para sa finale.

maganda ang performance. sulit na sulit, lalo na at libre ito. astig talaga ang powerful vocals ni kitchie, parang recorded sa studio talaga ang quality kahit live. pati yung "ha-ah-ha-ah-ha-ah" (hindi ko alam i-explain yung tunog pero yan yung parang hingal ng aso na ginagawa niya) sa kantang "fire" kuhang kuha. ika nga nila "sings to express and not to impress". enjoy ang lahat hanggang sa matapos ang gig.

sayang nga lang at may humiram ng kopya ng cd ko kaya't hindi ko na ito napapirmahan sa kay kitchie. inisip ko na lang na hindi pa ito ang huling beses ko na mapapanood siya kaya't may next time pa ko para magpapirma. binalak ko rin na bumili ng t-shirt niya na nakita ko sa www.kitchienadal.net pero parang wala naman akong nakitang binebenta. next time na rin lang siguro.

basta, sigurado ako babantayan ko ang gig sked niya, papanoorin ko siya ulit... sama kayo sa kin next time.



para sa mga sked ni kitchie bisitahin lamang ang dalawang site na ito:

www.kitchienadal.com
www.kitchienadal.net



suportahan natin ang local music. iwasang tumangkilik ng piratang cd. tulong na rin natin sa kanila yun, astig naman sila diba?


Kuya Ace Ng Bayan at 11:18 AM



Saturday, May 14, 2005

under rated tv shows which influenced me a lot

simula nung lumipat kami sa cavite noong kalagitnaan ng 3rd year highschool ako hindi ko na naranasan ang magkaroon ng cable tv sa bahay. eto na marahil ang dahilan kung bakit marami akong nadiscover na quality tv shows na hindi pinapansin ng karamihan. channel 9 at channel 5 ang nagpapalabas ng mga shows na aking binabanggit, mga channel na hindi patok sa karamihan at kapwa sila hindi ganon kagaling mag advertise at mag promote ng mga shows nila. yun na lang siguro ang dahilan kung bakit kokonti lang ang kakilala kong nanonood ng mga show na nasa ibaba.
heto sila:


MALCOLM in the MIDDLE:




CAST:

Frankie Muniz as MalcolmWilkerson
Jane Kaczmarek as Lois Wilkerson
Bryan Cranston as Hal Wilkerson
Christopher Masterson as Francis Wilkerson
Justin Berfield as Reese Wilkerson
Erik Per Sullivan as Dewey Wilkerson


COMEDY


*may pagka mababaw ang show na ito pero pagdating sa laughtrip siguradong gugulong ka sa katatawa. may pagka slapstick ng konti pero hindi jologs ang dating. at kung ia-analyze mong mabuti ang kwento ng bawat episode tiyak na may mapupulot kang aral dito. hindi lang pansin ang values na itinuturo sa mga viewers dahil mas nababaling ang atensyon sa mga patawa dito.



ROSWELL:




CAST:

Jason Behr as Max Evans
Shiri Appleby as Liz Parker
Brendan Fehr as Michael Guerrin
Majandra Delfino as Maria De Luca
Katherine Heigle as Isabel Parker
Colin Hanks as Alex Whitman
Adam Rodriguez as Jesse Ramirez
Emily De Ravin as Tess Harding
William Sadler as Sheriff Valenti
Nick Wechsler as Kyle Valenti


SCIFI DRAMA


compared to any other adventure-drama na pang young adult roswell na ang pinaka best para sa kin. compared to smallville mas may quality ito. sa storyline tsaka sa flow ng kwento every episode mas naa-appreciate ko ang roswell. actually ito ang favorite kong tv show sa lahat. yung mIRC nick ko na ginagamit (mAx^eVaNs) dito ko nakuha.



MR and MRS SMITH:





CAST:

scott bacula as mr. smith
maria bello as mrs. smith

ACTION COMEDY/ADVENTURE


masayang panoorin ang palabas na ito. non-stop action at katatawanan. bagay na bagay ipagtambal ang dalawang main characters. away bati away bati tapos may halong action pa. hindi nga pala mag-asawa si mr. and mrs. smith, nagkatapat lang na nagekis ang landas nila at pareho ang alias na kanilang ginagamit. ngayon pala meron nang pelikulang mr. and mrs. smith, si brad pitt at angelina jolie ang bida dito. aabangan ko ito!



COLD CASE:





CAST:


Kathryn Morris as Lilly Rush
Danny Pino as Scotty Valens
John Finn as John Stillman
Jeremy Ratchford as Nick Vera
Thom Barry as Will Jeffries

MYSTERY/DRAMA


ito ang kinababaliwan kong palabas sa tv ngayon. magandang middle aged woman ang bida. may pagkakahawig ang cold case sa csi / csi:miami / csi:new york. ang pagkakaiba lang nila ay hindi crime scene ang focus ng istorya (scientific stuff). pagiimbistiga ng mga witnesses, kapamilya/kaibigan ng biktima at suspects ang iniikutan ng istorya. ito ang nagustuhan ko dito. dahil sa interactions ng mga characters kitang kita ang moral values katulad ng love, compassion, forgiveness at repentance. every episode is touching. isa pa palang nagpa-astig sa dito ay ang soundtrack niya. pansinin sa episode na pinapanood, tuwing closed na ang kaso may papatugtugin na kantang sumikat sa panahon kung kelan naganap ang krimen.




oops teka! channel surfing muna kayo... kelangan mag-work... hanggang sa muli!!!!


Kuya Ace Ng Bayan at 1:43 PM



Thursday, May 05, 2005

highschool class picture




hindi yan lumang litrato na isinasabit sa mga hunted house, class picture namin yan nung 4th year highschool. medyo malabo, hindi pa kase uso ang magagandang scanner nung ini-scan ng former classmate ko ang pic.

yan ang buong section namin, walang absent... maliban sa kin. wag niyo na ko hanapin jan at hindi ako napapwesto sa parteng madilim kung saan tiyak na hindi nga ako makikita, nasa bahay ako nung mga panahong kinuhanan yan at nagpapanggap na may sakit. kung gusto niyong malaman ang itsura ko nung highschool, kumuha na lang kayo ng picture ni paolo santos, pabatain ng isang dekada, lagyan ng konting bigote at gawing 3 by 4 na one sided ang hair do.

isang beses lang ako nag-absent nung 4th year highschool, araw ng kuhanan ng class picture. malas ko at hindi ako nakasama sa eksena, masaya naman ang mga kaklase ko dahil hindi na nila kailangan papangitin ng konti ang mga mukha nila habang kinukunan upang mag-adapt sa itsura ko at maging balanse ang picture.

malamang ako ang unang makakalimutan ng mga kaklase ko dahil wala ako sa picture.



Kuya Ace Ng Bayan at 10:06 AM



Saturday, April 30, 2005

summer sentihan

summer vacation. ang panahon na pinakaaabangan ng mga bata. walang gisingan ng maaga. sa wakas, makakpagpahinga ng dalawang buwan ang alarm clock na napapaos na halos ang tunog. walang pasok. walang homework, assignment, at projects. tv, kain at laro lang ang iniikutang mundo ng mga bibwit.

minsan, nagmemerienda ako ng c2 at nova sa tindahan at 'di kalayuan nakita ko ang isang grupo ng mga bata na naglalaro ng langit lupa. nag senti nanaman ako, naalala ko ang aking kabataan. nainggit ako. kung pwede lang ibalik ang sarili ko sa mga oras iyon ay gagawin ko. gusto kong bumalik sa panahon kung saan ang pinakamalaking problema ko lamang ay ang pagiging taya sa laro. sa panahon kung saan maghapon kaming nagbibilad sa araw para lang patunayan kung sino ang mas magaling sa patintero. sa panahon kung saan masaya pang maglaro at maligo sa ulan. sa panahon kung saan ang buong barkada ay humihingi ng 50 sentimos (yung may ibon) sa kanya kanyang mga magulang at sabay sabay na bumibili ng ice candy sa tindahan.

imposible ang binabalak kong time travel, sa mga alaala ko na lang puwede namnamin ang mga nakaraan. ito ang gagawin ko ngayon.

karaniwang nagsisimula ang isang araw ko ng bakasyon noon sa maagang paggising. 8am kadalasan. pagkatapos ng mga morning rituals ang hapag kainan ang una kong tambayan upang mag-almusal. kahit isang baso ng milo at tinapay na isasawsaw dito solb na.

hindi ako kaagad nakakalabas ng bahay pagkatapos ng almusal. at kahit naririnig ko na ang mga sigawan at padyak ng mga kalarong naghahabulan wala akong ibang magagawa kung hindi mainggit ng pansamantala. obligasyon ko na maglampaso sa buong bahay bago makalabas. kailangan ko muna gawin ang pagbubunot ng sahig, pagkatapos nito tsaka pa lamang ako pwedeng makipaglaro.

pag tumutok na ang orasan sa 10:00am pansamantalang matitigil ang paglalaro. kung sa family computer, pipindutin muna ang pause. uuwi muna ang lahat para manood ng tv. soap opera para sa mga bata. cedie, dog of flanders, remi, julio at julia, etc. lahat yan sinubaybayan namin. mas masaya nga pala ito kapag samasama lahat na manonood sa bahay ng isang kalaro.

pagkatapos ng cartoons resume ulit ang laro matitigil na lang ito kapag isa isa kaming tinawag para umuwi at kumain ng tanghalian.

pagkatapos kumain iisa lang ang maririnig sa mga matatanda, "matulog muna, wag muna maglalaro sa labas, baka ma-apendiks ka!!!". sa awa ng Diyos wala naman sa min ng mga kalaro ko ang "na-apendiks".

kahit mainit pa ang sikat ng araw balik agad ang lahat sa kalye upang maglaro maliban na lang siguro sa mga nawiling manood ng eat bulaga. simula ulit ng mahabang hapon. pili na lang sa menu kung ano ang gusto. taguan pung, patintero, shato, langit lupa, tumbang preso, bahay bahayan, piko.

sa paglalaro may iiyak, may mapipikon, may mangpipikon, at may mandaraya. may uuwi na napagkaisahan at may uuwi ng may sugat sa binti. eto ang sigurado, uuwi ang lahat ng amoy pawis ang ulo habang sinasabi "BUKAS ULIT!".


Blogger